5 Benepisyo ng Camping

ni: Chocolate

wp1857438

Isa na siguro ang pagcacamping sa isa sa pinaka-inaabangang aktibidad ng mga estudyante. Tulad nalamang ng naganap na jamboree sa Benigno V. Aldana High School noong ika-28 ng Nobyembre hanggang ika-lima ng Disyembre, na kung saan kalahok ang mga boy scouts at girl scouts mula sa iba’t-ibang lugar mula highschool hanggang Senior High School. Kaya nama’y narito ang limang benepisyo ng mga pagsali sa mga ganitong gawain.

  1. Pagkakaroon ng kaibigan. Sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga gawain at pangkatang palaro sa camping, may pagkakataong makisalamuha sa taong maaring hindi mo kakilala. Dahil dito, mapapalawak pa ang social skills ng mga estdyante.
  2. Pag-iwas sa mga masasamang bisyo. Isa ito sa dahilan kung bakit iniimplementa ng mga eskwelahan ang pagkakamping, dahil ang pagsali sa mga ito ay makakaiwas ang mga estudyante sa paggawa ng mga masasamang gawain at maiiwas sa mga bisyo katulad ng paninigarilyo at pagdodroga.
  3. Pagkakaisa. Matututunan ng isang camper ang pakikipagsalamuha sa ibang tao para magawa ang nararapat na mga gawain katulad ng pag-aayos ng masisilungan.
  4. Pagiging Malaya. Lahat tayo’y Malaya ngunit sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad, magkakaroon tayo ng Kalayaan na mag-isip at gawin ang mga gawaing nararapat para saating sarili.
  5. Paghahanda sa hinaharap. Sa kamping masusubukan ang iyong kaalaman tungkol sa mga gawaing-bahay na maaaring makatulong saiyo sa hinaharap katuld na lamang ng pagluluto.

Kaya’t tara na at sumali sa mga ganitong aktibidad upang mapalawak ang ating isipan sa mundong ating ginagalawan at makaranas ng mga bagong bagay na ngayon lang nating mararanasan.