Ang Tamis ng Kahapon
ni: Vice Ganda

Tila parang kahapon lamang ng ang sakit na nadarama ay hindi maagapan. Ang hagupit ng problema ay unti-unting kinain ang aking Sistema. Ang batang inosente ay unti-unting namulat at nagising kung gaano kalupit ang mundo. Namulat ang mga mata sa mga pagsubok na dumating,nagising ang diwa na ang buhay ay hindi basta basta.Kinakailangan munang dumaan sa butas ng karayom upang matikman ang tamis ng kaligayahan.
Ang kanyang ngiti ay unti-unting napalitan ng iyak, ang mga mata at boses ay nagsusumamo na makawala sa masamang panaginip. Para sa kanya ang kanyang pinagdadaanan ay walang maipapantay na salita na mailalarawan. Unti unti siyang nilamon ng kalungkutan at takot, ang dating masayahin ay magiging kanyang replica na lamang ng isang bata na uhaw sa pagkakaroon ng kalinga sa buhay.
Ilang taon na ang nagdaan sariwa pa rin sa kanya ang kanyang mga dinanas. Kanyang nahanap ang daan papunta sa tamang direksiyon at kanyang napagtanto na siya lamang ang makatutulong sa kanya upang bumangon at siya din lang makakasagot sa kanyang mga katanungan.
Muli ang kanyang mata ay umaliwalas ang kanyang inaasam ay kanyang natupad ang mga ngiti ay lumapad, matamis na tinig at halakhak ay bumalik. Kanyang napagtanto na walang magagawa ang pag-iyak sa pagbibigay solusyon ng kanyang problema ang kailangan lamang gawin ay magtiwala at mag-isip ng positibo uoang malagpasan ang mga problema na dadanasin.
Hindi man masaya ang kanyang napagdaanan ito naman ay naging dahilan upang siya ay tumayo sa kanyang sariling mga paa.