ni Vice Ganda

Nitong ika-28 ng nobyembre lamang nang nagsimula ang camp ng mga kalahok sa GSP at BSP camporal kung saan nagdako pa sa iba’t ibang bayan at rehiyon ang mga kasama. Ang tema ay ‘scout through thick and thin’ ginanap ito sa Benigno V. Aldana National High School.
Ayon kay Scout Master Arturo Mapagkintot layon nito na mapahusay at mapakita ang talento ng bawat indibidwal, matutunan ng mga kabataan na maging malaya at matutong malutas ang mga problema sa hinaharap ng hindi umaasa sa ibang tao.
Inaasahan na magaganap ang iba’t ibang aktibidad katulad na lamang ng bonfire, team building activities at talent presentations na siyang magbibigay inspirasyon sa mga lumahok.
Naitala na may 300 na kalahok sa lalake at 450 naman sa mga babae
Ang regional jamboree ay magaganap hanggang disyembre 4.